Google the Omniscient

March 31, 2005 by Bambit · 2 Comments
Filed under: Life 

Up to five days ago I had been trying to find anything about the notorious tenants that abandoned my father’s house in a state of filth and disarray, taking away with them even the main doorknobs that resembles the ones I just saw on Schlage, but when I typed their names into google.com’s search i found nothing. But that was then.

Now when I type "Ellen Valena" with the quotes I get my blog entry. I hope that will be of some help to whoever may be looking for this notorious character, and doing the same thing as I when I hear about someone that sparks my interest. Then again you could go to the National Bureau of Investigation. Interesting faces there …

The End of Film?

March 31, 2005 by Bambit · 4 Comments
Filed under: Life 

Is this the future of picture-taking? Mangingibabaw ang paggamit ng digital photography, online publishing and home-based printing kaya wala nang 1-hour developing? Paano nalang ang mga maniniyot tuwing graduation at pers communion?

Ibang Klaseng mga Tao

March 29, 2005 by Bambit · 9 Comments
Filed under: Life 

continued from …

Napuntahan na ni da hubby ang bahay na titirahan namin perhaps for the rest of our lives. Isang disaster area ang inabutan nya. Wala na dun yung tenant na gumagawa ng kutsinta. Ni ha ni ho walang pinaalam sa amin na palayas na pala sila, dahil ang usapan sana hanggang April 15 pa sila.

Lahat ng klaseng baho at basura ang iniwan nila. Kaya pala ayaw na nilang humarap sa amin. Akala namin nuon nahihiya lang humarap dahil kami na ang magbabayad ng tatlong buwang utang nila sa Meralco amounting to P10,270.75, at ang di kapani-paniwalang utang nila sa Maynilad na P64,000. (edit: Today, 31 March, I was informed by PLDT na may iniwan din silang utang sa landline. Not surprising.) Sabi nila sa akin sa mga panahong nagkausap kami sa celfone, nuong 2003 pa daw sila naputulan ng tubig. Nagpapadeliver nalang daw sila sa trak, P280 per delivery a day daw ang ginagastos nila. Siguro doon naubos ang pera nila. Bankrupt na kasi ang pagawaan ng kutsinta. Bankrupt na sila.

Tatlong buwang upa din ang utang nila sa tatay ko. Ok na lang yun sa tatay ko, mabait yun eh. Yung utang nila sa Meralco ok narin samin, dahil nakakapanghinayang maputulan ng kuryente at matagal mag-apply ulit ng panibago. Pero ibang klase ang dumi at basurang iniwan nila. Umaapaw sa dumi ang mga banyo. Mukhang may nag-alaga pa ng baboy sa likod. Hindi ko alam kung paano nakalusot yun sa subdivision. Yun pala ang baho na inaangal ng buong barangay na ibinalita sa amin ng isang kapit-bahay nuon, maliban pa sa masangsang na amoy ng panis na niyog at kung ano pa ang hinahalo sa paggawa ng kutsinta. Barado na daw ang mga drainage canals. Yung deep well na kung saan originally nanggagaling ang tubig nung kami pa ang nakatira dun, ginawa na rin nilang tambakan ng dumi.  

Kaninang umaga, bago umalis sa bahay nila ang asawa ko para samahan ng contractor na magre-renovate sa bahay na ito, tinawagan ko yung tenant dahil sabi ng asawa ko hindi raw nito sinasagot ang mga tawag at text nya. Nang nagkausap kami, nagpahaging na hindi raw sila makakasipot sa bahay. Paano yun, sabi ko, sino ang magtu-turn over ng susi?

Wala na daw susi. Nawala daw yata sa paglilipat nila kahapon. Kailangan daw umakyat ng pader para makapasok sa bahay dahil naka-lock daw ang gate. Sabi ko, kailangan may pumunta dun, kung hindi baka mapagkamalang akyat-bahay ang asawa ko’t mga kasama nya. Opo daw, sige po, pupunta po kami.

Pagdating duon ng asawa ko, bukas na ang gate, pero wala nang tenant na naghihintay. Inabandona na talaga ang bahay. At yun, inabutan ng asawa ko at ng mga kasama nya ang walang kasing tinding dumi at kalat at basura, na malamang wala talagang plano ang tenant na yun na imisin man lang, kahit sana bilang pasasalamat sa pag-ako namin ng mga utang nila sa utilities.

Ang mag-asawang ito ay sina Henry at Ellen Valena. Mag-ingat nalang kayo. Baka may makilala kayong kutsinta entrepreneur na ganito ang pangalan, ipag-alam nyo agad sa kinauukulan. Hindi na namin sila idedemanda. Gastos lang yun. Mas mainam pang gamitin namin ang pera para ipaayos at pagandahin muli ang bahay namin. Pero mag ingat kayo sa kanila. Baka magka-interes itong umupa sa kung ano mang pa-upahan ninyo, hindian nyo na. Mag-ingat kayo sa produkto nila. Kung nakuha nilang mag-iwan ng ganitong klaseng dumi sa bahay na mismong tinirahan nila na siya ring naging pagawaan ng kutsintang tinitinda nila, imagine nyo nalang kung anu-anong mga dumi ang nahahalo sa paninda nila.

Hindi ko akalaing may mga tao pala na ganito ka salaula at kawalang-hiya. Pero meron pala. Henry at Ellen Valena, kung nasaan man kayo ngayon, balang araw matutunton din kayo ng mga konsiyensiya nyo. Sana buhay pa kayo pagdating ng araw na iyon. Mahirap daw kasi mamatay ng walang konsiyensiya. Para ka daw namatay na hindi man lang nakapaligo at nakapagsabon ng Safeguard.

Me and an Old Friend

March 28, 2005 by Bambit · 2 Comments
Filed under: Uncategorized 

Kunyari nagpepenitensiya. Actually yung mga nakikinig ang nagpepenitensiya, kasi parang nilalatigo mga tainga nila.

Ewan ko bakit ko naisipang i-post ito, maliban lang siguro sa nang-iimbita ako na tamaan ng kidlat dahil Biyernes Santo kinuha ang pic na ito. Parang naririnig ko mga lola ko nuon nagsasabing "Biyernes Santong-Biyernes Santo nagkakantahan kayo! Baka tamaan kayo ng kidlat!" At bawal daw magsaya dahil patay ang diyos sa panahong iyon.

me and my guitar

Next Page »