Bakasyon
Mga hindi ginagawa ng nagbabakasyon (a.k.a. unpaid vacation leave):
-
1. Hindi gumigising ng maaga.
2. Hindi sumasagot ng cel kung opisina ang tumatawag.
3. Hindi nagbabasa ng office email.
4. Hindi naliligo kung hindi lalabas ng bahay.
5. Hindi nagmamadaling tumayo pagkagising galing sa siesta.
6. Hindi na nagsusuklay kung walang ibang tao sa bahay.
7. Hindi nagmamadaling kumain dahil toka na sayo ang pagsagot ng 24×7 helpdesk.
8. Hindi kumakain ng fastfood dahil lagi nang may lutong bahay.
It’s like having a week of Sundays. Pakiramdam ko rin parang tumigil pansamantala ang pagtubo ng puting buhok sa ulo ko.
What a feeling!
Into a Time Warp
Unang araw ng 5 days unpaid leave ko ngayon. Ginamit namin ni Sam ang panahong ito para kunin ang inaamag kong NBI Clearance sa Carriedo. Nuong 18 August ko pa dapat kinuha ito pagkatapos ng tatlong araw na waiting period sa pagpapalit ng apelyido, pero naging sobrang busy na sa trabaho kaya panay pagpapaliban ang nangyari. Ni wala na nga ito sa computer ng mga nagre-release ng clearance, at kinailangan ko pang pumila sa Media window ng NBI para mapa-reactivate ito.
Pagkatapos sa NBI naglakad kami patungong Plaza Miranda, kung saan ako nagpapiktyur sa harap ng simbahan ng Quiapo.
Feeling turista? Mas feeling kong parang sumakay ako ng time machine, dahil nuong maliit pa ako sinasama ako ng lola ko sa simbahang ito kung saan sinasabayan ko sya habang siyay naglalakad ng paluhod sa gitnang pasilyo papunta sa altar. Iba na syempre ang hitsura ng Plaza Miranda, pero syempre andun parin sa labas ang mga manghuhula at ang mga nagtitinda ng “herbal” na gamot (sa binisaya pa — mga namaligya ug tambal nga binisaya). At dahil oras narin naman ng tanghalian, napagpasyahan naming kumain sa tanyag at walang kakupas-kupas na . . .
Dito rin ako dinadala ng Lola ko matapos ng kanyang panata sa simbahan ng Nazareno. Mahirap paniwalaan na may ganitong lugar sa tabi ng isang magulo at maingay na lansangan. Pero eto parin siya, halos walang pagbabago sa naalala ko nuon.
Tig-isa kaming Special Mami at Special Siopao ni Sam, super fast dumating ang inorder, grabeng dami ng mami (may extra sabaw pa) at kasing laki ng plato ang siopao.
Pagkatapos kumain, nilakad namin ni Sam papuntang Recto, na nuon ay kilala ko sa pangalang Zurbaran. Andun parin pala ang Central Market, pero wala na yung dating katabing building nito na kung saan bumibili ng telang pambistida ang auntie ko tuwing Sabado matapos ang sahod. Nineteen kopong-kopong pa yun, dahil naalala kong P20-P25 ang yarda ng chiffon (tela, hindi cake). Sabay ikot sa may Fabella hospital, papuntang Avenida Rizal, kung saan nadaanan namin yung lumang pwesto ng dress shop ni Lola sa tabi ng Knox United Methodist Church. Sira na ang gusaling ito, at matagal na sigurong naglaho yung karatula ni Mademoiselle of Manila.
Naalala ko rin nuon na galit si Lola sa LRT dahil sinira daw nito ang Avenida Rizal. Doble nga ang galit nya, dahil nagtayo rin siya ng branch ni Mademoiselle sa tapat ng Philippine Women’s University sa Taft Avenue.
Konting lakad ulit patungong sakayan ng Purple Line ng LRT. First time namin sumakay dito ni Sam. Ang ganda pala, malaki at malinis ang lugar. Medyo nalito sa pago-operate ng ticket dispenser, pero nung nakuha ko na kung paano madali lang pala. Malapad din ang tren, halos x2 ng tren LRT2 at MRT.
Last stop for the day—Island Photo Center sa basement ng Mega B. Nagkadiprensya kasi yung binili naming Kodak CX7330 at medyo masama pa ang loob ko sa Kodak dahil sa malabo nilang replacement policy tungkol sa mga units na defective. Pinaghintay pa kami ng pagkatagal-tagal para makuha ang pahiram na unit ni Island Photo habang pinag-iisipan pa ni Kodak kung anong gagawin dun sa camera naming sira. Pero di bale, meron naman kaming magagamit na C310 sa susunod na mga araw.
Next stop? Abangan . . .
Mahal na mahal
Nakita ko ito sa likod ng sandalan ng isang bus na nasakyan ko papunta sa opisina. I couldn’t help it, piniktyuran ko talaga kasi feeling ko ang tindi namang pagmamahal kay “M” ng kung sino mang sumulat nito. At kung ia-analyze mo pa … mag-on pa rin ba sila? Ano kaya ang nangyari at tila nagkaroon ng lubak sa kanilang relasyon (mhal pa rin, imbes na mahal na mahal kita).
Iniisip ko rin kung sino ang lalaki at babae sa dalawa, si M ba ang lalaki o ang ang babae? Malamang ang babae ay si M, dahil mas may tapang, sa palagay ko lang naman, na magsulat sa likod ng mga sandalan at kung saan-saan pang lugar ang lalaki kaysa babae. Pero I could be wrong.
Ano kaya ang ginawa ni M, o kaya ng magiting nating grafitti artist, para mag-udyok sa kanyang isulat ng makailang beses ang mga katagang ito? #31 na beses na kaya nyang naisulat sa mga likod ng sandalan ang mga salitang ito o pang #31 syang syota ni M?
1935
In 1935 the Commonwealth of the Philippines was formally established. The first commercial Clipper flight across the Atlantic Ocean was made, with the China Clipper stopping in Manila along its tour. 1935 was when Eastman Kodak developed Kodakchrome color film, although it was more than a decade after that before Filipinos would be using color film in photo studios. Benito Mussolini invaded Ethiopia, American Congress enacted the National Labor Relations act, where workers were given the right to strike without management retaliation.
On October 1935 on various days of the month, the following people were born: Julie Andrews, Luciano Pavarotti, Jerry Orbach (Lumiere in Beauty and the Beast) and famous golfer Chi Chi Rodriguez. On October 12, on the same day as the famous tenor, my dad Oscar was born.
He spent his school years on Taft Avenue, going to high school at Arellano and college at De La Salle College in the days where the necktie was standard with the uniform. These days Giordano shirts, dark slacks, luxury watches and half boots are his uniform. I browsed through his college yearbook a few times and saw that he had not been in any sports activities, but until recently he was an active member of the CPRA and PPSA in Cebu. Most men his age are taking it easy, tending gardens watching tv, watching their grandchildren grow. My dad drives out everyday to tend to his small businesses and watches his grandchildren grow through pictures we send him on the internet.
There’s a lot more things I can write about my dad, but I don’t want to embarrass him in his old age (hee hee). I think the piece I wrote about him on his birthday last year says a lot about him.
Happy birthday, Dad!



