Beinte-kwatro oras na ang nagdaan wala pa ring eek ang PLDT pagkatapos nilang hingin ulit ang email trail ng hiling kong magkaroon ng postpaid landline na nakapangalan sa akin. Nawala daw kasi ang sagutan namin dahil sa “system upgrade” nila. Kawawa naman ang IT department nila kung ganun, malamang di maayos ang pagkaka-upgrade ng system at sa dinami-dami ng mawawala, yun pang mga email sagutan namin ang nadale.

Sa mga ngayon palang nagbukas ng tv—este—nagbasa ng blog na ito, ito ang latest kong hinanakit sa PLDT. Kasi naman, ayaw nila akong bigyan ng landline na nakarehistro sa pangalan ko dahil anak lang daw ako ng tatay ko, at hindi mismong may-ari o di kaya nangungupa sa bahay namin sa Parañaque. Kung ako raw ay bagong tenant, bigyan ko lang daw sila ng copya ng notarized contract of lease, magkakaayusan kami agad, pwede akong bigyan ng landline na nakapangalan sa akin, gaya ng pagbigay nila ng landline kay Ellen Valena, yung babaeng bumaboy sa bahay ng tatay ko at nag-iwan ng sandamukal na utang kung saan saan.

Go figure.

Dito ko ilalagay kung meron mang sagot ang PLDT sa susunod na mga araw. Sa mga masugid na sumusubaybay sa telenovelang ito, antabayanan …

edit: 08 April 2005 / No word from the online PLDT people … baka wala silang internet connection. Since I am a person who would like to have things done the soonest possible time, I went ahead and made more use of PLDT’s P10 per tawag promo and started dialling numbers that I felt were remotely connected to the person I should be talking to. First I called the Business Solutions office, since they were the only ones who have a direct line advertised. They then gave me another number which I called and who gave me another number which I called and after following the trail of numbers I finally reached Gina Munsayac.

Gina listened to my problem, analyzed it quickly and explained to me the difficulty of the situation when seen from their point of view. But after doing so, she offered me good advice on how to go about solving my problem of acquiring a postpaid landline in my name. The thing to do, she said, was to ask my father to issue an “Authority to Transact”, that states that I, his daughter, Maria Marina Victoria Kapauan-Gaerlan, has his authority to transact with whatever utility companies necessary for our home use. This apparently will be the “magic key” that will open the PLDT customer care’s eyes and perhaps finally allow me to be a postpaid landline subscriber. I am willing to bet that the selfsame “Authority to Transact” may work with the other utilities that I may need eventually.

To Gina, thanks for the good advice. Before speaking to Gina, I had also talked to Janice Lateral of the Business Solutions office, who suggested that a direct visit to a PLDT office with all the papers at my disposal will be more effective than transacting online. She has a point there too. But then my point there would be, what would be the point of an online transaction facility if in the end I will still have to plead my case in person?

But, granted, my situation is rather complicated, if seen from PLDT eyes. O sige na nga, I’ll grant them that. Pero naman naman … kung hindi nila makita ang lohika nito … maloloka ako!

😈

Anak ka ng Tatay Mo!

Post navigation


2 thoughts on “Anak ka ng Tatay Mo!

  1. hay naku ako din may hinanakit sa PLDT.. tawag sila ng tawag dati nag-oofer ng DSL, tapos nang kumagat na ako, di daw pwede kasi ung phone nkarehistro sa lolo ko (nakikitira lang ako sa bahay nila) na patay na for 14 years, eh ako naman ang nagbabayad.

  2. o see, akala ko ako lang ang may angal sa ganitong kiyeme ng PLDT, pati pala ikaw jorge? sige lang, mukhang may na recruit akong taga-kurot ng bugan, tingnan natin ano mangyayari today …
    😈

Comments are closed.