For Baguio Condotel information available on this blog, click here. Baguio Condotel stands overlooking Burnham Park, at 19 Harrison Road, Baguio City. (Edited: 27 August 2007)

Unang hirit ng bagong balik galing sa bakasyon. Pictures pa lang ito, to follow ang kwento. Buti na lang dalawang araw lang ang pasok, baka may panahon parin akong ibida kung ano pinaggagawa namin sa City of Pines. Maraming salamat kay Wats0n for recommending Baguio Condotel. Naging pangalawang bahay namin doon ang room 302.


Outside The Mansion
Ito ang bahay namin sa Baguio (*joke*)

Living Room at the Baguio Condotel
Living room at the Baguio Condotel, view when you lie on the sofa in front of the t.v.

Souvenir Shopping
Souvenir Shopping. Ansarap gumastos!

John Hay
Kuya Maui in front of his future school. (*malay mo …*)

For more photos of our Baguio Experience, check out my flickr Baguio Album here.

Baguio!

Post navigation


9 thoughts on “Baguio!

  1. Hi Jove!

    Baguio Condotel stands right in front of Burnham Park, on Harrison Road. Pero yung entrance nya nasa gilid, kung saan maraming tindahan ng ukay-ukay. Gaya ng sabi ni wats0n, walking distance siya sa mga must-see na pasyalan, palengke, sangkatutak na malls, Session Road, sandamukal na restaurants at bars at banks and atm machines, Baguio Cathedral, kahit ang Cafe by the Ruins pwede mong lakarin from there kung masipag kang maglakad. Pwede ring lakarin ang SM pero di kami nagpunta dun 🙂

    Pricewise medyo mahal siya dahil 5K+ ang overnight stay sa Room 302. Pero kung titingnan mo sa mga pics na nakapost kay wats0n tungkol sa Baguio Condotel makikita mong napakalaki nito, practically apartelle na ang “room” na ito. Two bedrooms siya, with a total of 4 beds each, at dalawa sa mga kamang ito ay double. May single pang higaan sa likod ng divider off the side ng sala/dining room. Kasya at maluwang sa 10 tao. Para ngang kakalog-kalog kami dahil anim lang kami (anim at kalahati kasi maliit pa si Maia).

    Damit lang at pagkaing lulutuin ang bitbit namin. Hindi na kinailangan ang mga bedding at sleeping bag at tuwalya dahil provided na ito. Lahat ng amenities meron, kumpleto ang appliances sa kusina. Kung serioso kang kusinero however, magdala ka ng sariling mga kutsilyo at non-stick frying pans. Maliban dun, ok na ang kusina. Tatlo ang banyo kaya malamang bihira ang hintayan kahit marami kayo.

    Meron din naman silang mga studio-type rooms na good for 2 persons. Di ko nga lang nasilip ang mga yun. Tawagan mo sina Grace or Sheryl sa (074)442.4578 at (074)442.8047. Kung marunong kang mag Ilonggo, malamang maka-discount ka pa 🙂

  2. Hi Bambit! Hindi ko alam na Ilonggo sila! Kasi kapag kausap namin, straight Tagalog :-). Sa 302 nag-stay yung girls sa office namin. May disadvantage nga lang. Sa sobrang lapit sa ukay-ukay, naubos pera nila sa kapupunta doon :-).

    Salamat at na-enjoy nyo yung place! Actually meron ngang smaller places and I did not expect you to check-in at the Penthouse pero maganda naman naging experience nyo dun, and that’s what matters.

    Di pa rin ako makapagsulat sa shoutbox ko… pero thanks for letting me know!

  3. bambit, naligaw pala yung comment ko para dito, naroon siya sa preceding entry. ha ha censya na..

    ang cute mo pala, how i wish i have a cute little face like yours. i like smaller features pag dating sa face…

    baguio is still beautiful pa rin pala

  4. jove, hope you get that well-deserved and long-overdue vacation very soon!

    watson, i suppose it takes a fellow visayan to know a fellow visayan 🙂

    luchie, baguio has always been and will always be timeless for me, kahit nagsulputan na ang mga malls, the old places will still be there (and they look the same too from the last time I was there—when I was eight years old!)

    bing, *squints* uhm, teka, cute ba kamo? baka nakakata-cute ang ibig mong sabihin he he he, after the baguio break i stepped on a weighing scale and realized i am now twenty pounds overweight!!!

    yeni, hija, hindi ako sigurado baka naman “so out of it” lang ako sa bagong lengwahe ng mga kabataan ngayon, pero sa diksyonario ko hindi maganda ang ibig sabihin ng salitang “whore”. ang “camwhore” ay isang taong nagkakalat ng mga retrato ng sarili nya ng nakahubad eh eto nga’t balot na balot ako at maginaw naman talaga sa baguio. baka naman loosely translated from another language lang ang paggamit mo ng salitang iyon? sana naman, hija, kasi medyo nagulat lang ako (medyo obvious ano?) at tungkol dun sa walang “nagssmile” baka naman ibig mong sabihin bakit kami hindi nagpakita ng ipin? maginaw kasi eh. feel ko lang baka kabagan ako kung ibubuka ko bibig ko. 🙂

  5. Bambit! Nakakatuwa lang… just wanted to share it with you.

    When you google Baguio Condotel, yung entry ko ang no.1. Second yung site ng Baguio Condotel. Tapos third itong entry mo! Nice!

Comments are closed.