Isang fluke yata ang pagka-spot namin nitong muffler (UK as in original Yoonayted Keengdam) ng Manchester United, dahil pagkatapos naming mabili ito sa halagang P80, hinalughog namin ang buong sanlibutan ng ukay-ukay pero wala na kaming makita ni anino ng kahit ng ano pang ibang muffler ng kahit anong futbol team. Nuon pa ako atat magkaron ng ganito, kulang nalang pag tripan ko yung mga nakasabit sa biga sa loob ng Heckle and Jeckle nuon (at sa Handlebar yata ngayon). Kahit asar ako sa ManUtd dahil tila yata walang pambili ng labaha at suklay si Ruud van Nistelrooy kahit na milyon-milyon ang sweldo nya dun, tuwang-tuwa parin ako’t nakahanap kami ng muffler na ganito.

Best Ukay Find

Post navigation