no 31

Nakita ko ito sa likod ng sandalan ng isang bus na nasakyan ko papunta sa opisina. I couldn’t help it, piniktyuran ko talaga kasi feeling ko ang tindi namang pagmamahal kay “M” ng kung sino mang sumulat nito. At kung ia-analyze mo pa … mag-on pa rin ba sila? Ano kaya ang nangyari at tila nagkaroon ng lubak sa kanilang relasyon (mhal pa rin, imbes na mahal na mahal kita).

Iniisip ko rin kung sino ang lalaki at babae sa dalawa, si M ba ang lalaki o ang ang babae? Malamang ang babae ay si M, dahil mas may tapang, sa palagay ko lang naman, na magsulat sa likod ng mga sandalan at kung saan-saan pang lugar ang lalaki kaysa babae. Pero I could be wrong.

Ano kaya ang ginawa ni M, o kaya ng magiting nating grafitti artist, para mag-udyok sa kanyang isulat ng makailang beses ang mga katagang ito? #31 na beses na kaya nyang naisulat sa mga likod ng sandalan ang mga salitang ito o pang #31 syang syota ni M?

Mahal na mahal

Post navigation


8 thoughts on “Mahal na mahal

  1. may suspetsa ako na itong graffiti artist eh kuripot, hehe. isang “a” na lang, di pa makumpleto ang salitang “mahal”! hehe….

  2. hi,just blog hoppin but i can’t help myself not to comment on this – i hope you won’t mind. BTW, nice page 😀

    mahilig yang magtext kaya nagkaganon. I bet, pang #31 yung tao na yan sa buhay ni M o some kinda call sign.. hehehe…

  3. ruth: umiral dyan ang txtspeak, nasanay na sa kakapindot sa keypad ng celphone nakalimutan nyang pwede naman palang buoin kung sulat-kamay …

    KittieKat: salamat sa visit 🙂 naisip ko rin baka nagmamadali itong si #31 sa pagsusulat at baka mahuli siya ng kunduktor.

    sepikmom: almaaaaa! buhay na ulit ako! bakasyon grande ang working girl! 😀

  4. Sus day– it’s a code – para kay N actually – ang mensahe ay:

    N: Sumakay ka ng #31 bus papuntang cubao, tumayo sa isang
    madilim na iskinita at magsayaw ng el bimbo.

  5. Hi. how are u y’all well I am filipino my mom is filipina and may dad is american at sempre marunong akong mag tagalog pumunta ako sa U.S. dalawang taon na ang nakaklipas sumama ako sa daddy ko at kung gusto niyo marinig ang istoriya ko mag e-mail kayo sa akin okaya mag che-check na lang ako sa site ok, I’m sorry if my story is boring, oh ok gatta go bye.

  6. lumipat ako sa bagong baryo pero dati pa iyon tapos may na kilala akong isang teenager at pinakilala niya ako sa lahat tapos nag ka crush ako sa dalawang kaibigan ko pero ang hindi ko alam mag kapatid pala sila nuong na laman ko hindi ko alam yong gagawin ko si Elaine ang sweet niya at malambing at si Luz malambing din siya pero may ugali siya nag papa salamat nga ako na yung kaibigan may gusto sa kanya pero mahal na mahal ko talaga yung kapatid niya si Elaine hindi ko siya makakalimutan kahit kailan nandidito siya sa puso ko ang arte naman nuh ok I will siya later bye.

Comments are closed.