continued from …

Napuntahan na ni da hubby ang bahay na titirahan namin perhaps for the rest of our lives. Isang disaster area ang inabutan nya. Wala na dun yung tenant na gumagawa ng kutsinta. Ni ha ni ho walang pinaalam sa amin na palayas na pala sila, dahil ang usapan sana hanggang April 15 pa sila.

Lahat ng klaseng baho at basura ang iniwan nila. Kaya pala ayaw na nilang humarap sa amin. Akala namin nuon nahihiya lang humarap dahil kami na ang magbabayad ng tatlong buwang utang nila sa Meralco amounting to P10,270.75, at ang di kapani-paniwalang utang nila sa Maynilad na P64,000. (edit: Today, 31 March, I was informed by PLDT na may iniwan din silang utang sa landline. Not surprising.) Sabi nila sa akin sa mga panahong nagkausap kami sa celfone, nuong 2003 pa daw sila naputulan ng tubig. Nagpapadeliver nalang daw sila sa trak, P280 per delivery a day daw ang ginagastos nila. Siguro doon naubos ang pera nila. Bankrupt na kasi ang pagawaan ng kutsinta. Bankrupt na sila.

Tatlong buwang upa din ang utang nila sa tatay ko. Ok na lang yun sa tatay ko, mabait yun eh. Yung utang nila sa Meralco ok narin samin, dahil nakakapanghinayang maputulan ng kuryente at matagal mag-apply ulit ng panibago. Pero ibang klase ang dumi at basurang iniwan nila. Umaapaw sa dumi ang mga banyo. Mukhang may nag-alaga pa ng baboy sa likod. Hindi ko alam kung paano nakalusot yun sa subdivision. Yun pala ang baho na inaangal ng buong barangay na ibinalita sa amin ng isang kapit-bahay nuon, maliban pa sa masangsang na amoy ng panis na niyog at kung ano pa ang hinahalo sa paggawa ng kutsinta. Barado na daw ang mga drainage canals. Yung deep well na kung saan originally nanggagaling ang tubig nung kami pa ang nakatira dun, ginawa na rin nilang tambakan ng dumi.  

Kaninang umaga, bago umalis sa bahay nila ang asawa ko para samahan ng contractor na magre-renovate sa bahay na ito, tinawagan ko yung tenant dahil sabi ng asawa ko hindi raw nito sinasagot ang mga tawag at text nya. Nang nagkausap kami, nagpahaging na hindi raw sila makakasipot sa bahay. Paano yun, sabi ko, sino ang magtu-turn over ng susi?

Wala na daw susi. Nawala daw yata sa paglilipat nila kahapon. Kailangan daw umakyat ng pader para makapasok sa bahay dahil naka-lock daw ang gate. Sabi ko, kailangan may pumunta dun, kung hindi baka mapagkamalang akyat-bahay ang asawa ko’t mga kasama nya. Opo daw, sige po, pupunta po kami.

Pagdating duon ng asawa ko, bukas na ang gate, pero wala nang tenant na naghihintay. Inabandona na talaga ang bahay. At yun, inabutan ng asawa ko at ng mga kasama nya ang walang kasing tinding dumi at kalat at basura, na malamang wala talagang plano ang tenant na yun na imisin man lang, kahit sana bilang pasasalamat sa pag-ako namin ng mga utang nila sa utilities.

Ang mag-asawang ito ay sina Henry at Ellen Valena. Mag-ingat nalang kayo. Baka may makilala kayong kutsinta entrepreneur na ganito ang pangalan, ipag-alam nyo agad sa kinauukulan. Hindi na namin sila idedemanda. Gastos lang yun. Mas mainam pang gamitin namin ang pera para ipaayos at pagandahin muli ang bahay namin. Pero mag ingat kayo sa kanila. Baka magka-interes itong umupa sa kung ano mang pa-upahan ninyo, hindian nyo na. Mag-ingat kayo sa produkto nila. Kung nakuha nilang mag-iwan ng ganitong klaseng dumi sa bahay na mismong tinirahan nila na siya ring naging pagawaan ng kutsintang tinitinda nila, imagine nyo nalang kung anu-anong mga dumi ang nahahalo sa paninda nila.

Hindi ko akalaing may mga tao pala na ganito ka salaula at kawalang-hiya. Pero meron pala. Henry at Ellen Valena, kung nasaan man kayo ngayon, balang araw matutunton din kayo ng mga konsiyensiya nyo. Sana buhay pa kayo pagdating ng araw na iyon. Mahirap daw kasi mamatay ng walang konsiyensiya. Para ka daw namatay na hindi man lang nakapaligo at nakapagsabon ng Safeguard.

Ibang Klaseng mga Tao

Post navigation


9 thoughts on “Ibang Klaseng mga Tao

  1. hay naku sepikmom, siguro combination laundromat tsaka pagawaan ng kutsinta ang business nila nuon. and i wonder, with all the water they had hindi man nila naiwang malinis yung bahay. tsk tsk … karma nalang naghihintay sa kanila.

    i emailed you the addresses i found for Becky’s Kitchen. I’m sure there are other branches by now. Pero uunahin ko muna paghahanap ng panties na may ruffles sa pwet. for my baby. hehehe.

  2. you’d think with that kind of water bill, they’d use some of the water to clean up the premises. i can just imagine the chaos! grabe. daming trabaho! i do hope this will be THE house na for you, at least.

  3. i just spoke with my husband again, ruth, and he says it looks like the former tenants intentionally left the house in that horrible state. unmentionable dirt strewn everywhere. like they were sticking their tongues out at us and laughing, bleh na-isahan namin kayo! di nga lang isa eh… marami 😆

    ibang klaseng mga tao talaga ❗

  4. Their souls are fouler than the stink they left. They shall be forever chased by misfortune. These people are unbelievable!

    Ako yata ang nanginginig sa inis ah. Hehehe..

  5. Dong Alan, naa diay ka, pasensya na tawon nalibat na kos ka-busy diri. You know what, while my husband was at the house assessing the damage, a young boy came over looking for “Ate Ellen”. When my husband asked him why he was looking for her, the boy said: “inutusan po ako ng nanay ko kasi po may utang pa si Ate Ellen sa amin.”
    🙄

  6. touchkey, it’s so funny na talaga, on top of the inis i feel everytime i think of that woman and her cohorts, when things like this happen. malamang siguro pag nakatira na kami duon there will be other similar visits … kawawang mga tao, nagtiwala sa ahas.

  7. that’s the hard part of being too good. well, i see the pictures of the house? i think it’s not. its like a warehouse of something… anyway, i know you can overcome the struggles… happy weeekends…

Comments are closed.