pasukan nanaman!

Yay! Pasukan nanaman. Para sa mga nanay at mga magulang na tulad ko dito sa Pinas umpisa nanaman ang hustle and bustle sa umaga, tanghali, hapon at gabi. Anjan yung paghahanda ng uniporme the night before. Anjan yung gigising as early as 4a.m. para makapag-handa ng almusal, baon, gamit atbp. Anjan yung magsasaing ka na kahit di ka pa naghihilamos. Anjan din yung gigisingin mo ang iyong studyante para maligo, kumain at magbihis. At kung sa awa ng panginoon magising naman sa tamang oras ang kailangang gumising, at makaalis na papuntang eskwelahan pagkatapos maligo, mag-almusal at magbihis, ikaw namang nanay (o tatay, depende) ang maliligo, magbibihis, mag-aalmusal para naman makapasok sa opis.

Sa tanghali tawagan naman sa bahay, nahatiran ba ng baon, naiwan ba ang baon, txt kasi pwede namang mag txt kung hindi school hours, musta ka jan, eat ka na? Mom stop txting ur embarsng me.

Sa gabi naman ang kwentuhan kung anong nangyari sa eskwelahan ng araw na yun, may homework ba, kaya mo ba, kung hindi mo kaya i-google mo, kung nalito ka kay google tanong mo sakin at ako ang mag goo-google. Hapunan, handa ulit ng uniporme para bukas, oi matulog ka na aga ka pa gising bukas, mag banyo na at mag toothbrush etc. Tulog na sabi eh. At 4a.m. the next day it all starts again.

Some people can make this look so easy. Praktis lang siguro talaga kailangan, at sanayan. At konting encouragement galing sa mga kinauukulan. Parang sis kong si Mari, laging byuti kahit minsan din nararanasan nya ang hassle ng pagiging working mom. Pero lab ko yan, si sis Mari, dahil sya ang unang-unang bisita ng blog ko nuong nasa blogspot pa ako at di pa kabisado ang pagbablog. Sunod kay caterpillar, kay Mari ko utang ang pagba-blog.

O siya, tapos ko na pag kabit ng patches sa limang polo. Next … tutupian naman ang mga unipormeng pantalon. See you later . . .

Pasukan nanaman!

Post navigation


9 thoughts on “Pasukan nanaman!

  1. Oo nga. Pasukan na naman!

    At least for this year, pahinga ako ng konti sa hatid-sundo kasi sasabay na si Bea ko sa kapatid at mga pinsan nyang pagpasok. Last SY kasi, panghapon siya kaya hangga’t maari, ako ang hatid sundo sa kanya. Para sa isang practising lawyer, ang hirap at gumalaw talaga ang mundo ko sa kanya noon.

    Hirap talaga maging magulang. Lalo na kung nag-iisang magulang. Buti na lang may tumutulong pa sa akin, heheheheh!

  2. Hello Bambit! Naalala ko tuloy Nanay ko noong nag-aaral pa ako. Ang laki ng tyaga at sipag nya para makapasok kami ng maayos. *sigh* Di ko sila mapuntahan ngayon kasi palaging umuulan sa Baguio. Nung 2 weekends ago, umakyat ako pero maputik kasi yung daan papunta sa bahay kaya sa mother-in-law ko ako nakikituloy.

  3. @ ayeza – sus dai, i don’t know how you do it, you hardly get any sleep as far as i can tell, pero beauty ka pa rin when i see you online! unsay secret nimo oi?

    @ atty punzi – grabe, bilib ako sa mga parents who literally go out of their way para mag hatid-sundo.

    @ karina – yes but the thing is, you know, the moms i know, the really good ones, never think of themselves as luoy… sila pay maluoy sa ilang mga anak nga gahi ug ulo momata or maligo sayo sa buntag. bot lang ngano. he he he.

    @ toni – nakuuu, yan pa isang hassle pag pasukan, sinabi mo.

    @ wats0n – i knew you were a good kid 🙂

  4. bambit!!!!!! shucks pasukan na naman. ang dami pang kulang ng mga kiddies ko. and speaking of patches, i haven’t even bought them yet. sa monday na lang siguro together with the books. lahat kami balik estudyante. yes sistah, i’m a student again hehehe.

    i could never forget that outlaws post of yours because i’ve been in the same situation. actually, i still call my ex’s mother mommy.

  5. Justice, we live in the [bermuda] triangle that is bounded by the three airports. it’s accessible from anywhere by anything but we can feel the wuuushh of the wind from the airplanes as they take off and land. 😀

Comments are closed.