1. Diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa

2. Ang babae lang ang may hikaw

3. Ang preso lang ang may tattoo

4. Si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa

5. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud

6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa

7. Diyes lang ang isang basong taho

8. At kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si Kabise at si Manong na magtataho

9. Chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo

10. Sarsi with egg ang pampataba at Star Margarine at matamis na bao sa umaga.

11. Nagkaka-kalyo ka dahil sa manual typewriter pa ang ginagamit mo para sa school paper mo

12. At uso pa noon ang carbon paper

13. Tancho o Superman ang pang-ayos mo ng buhok

14. KLIM ang tinitimplang gatas ng nanay mo para sa’yo para inumin mo bago matulog

15. Nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala, puno ang paper bag

16. Anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo

17. Computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan

18. Singkwenta sentimos lang ang songhits

19 Pango pa si Vilma

20. Kay Paeng Yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita

21. Sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit

22. Pinagtatawanan ang kalbo

23. Hindi uso ang gusot ang buhok at damit

24. Nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod

25. Lalaki pa noon si Ernie Maceda at Senator Sonny Osmena

26. Hostess pa ang tawag, ngayon GRO na

27. Sa escolta ka namimili ng pamasko mo

28. Payat na payattt ka pa noon

29. Highway 54 pa noon at wala pang EDSA.

30. Malago pa ang buhok mo

31. Jingle lang at Songhits nakakanta na, ngayon naka Karaoke pa.

32. $1.00 = 4 Pesos

33. Ang gasolina, kwarenta sentimos isang litro, ngayon trentay kwarto pesos na.

34. Pag bumili ka nang diyes na toyo, libre and kapirasong luya o dalawang butil na bawang.

35. Si Dolphy komediante sa entablado, ngayon matanda na, hanggang ngayon buhay pa at nag aanak pa.

36. Sa Quiapo dati “praise the lord”, ngayon Salaam alekum” na

37. Sa Student canteen, Darigold and theme song, “Darigold ang gusto ko, kaya nanay ko ang bilhin nyo!”

38. Remember ‘Uncle Bob’ of the original Channel 7? He passed away last April 6.

Kung naaalala mo pa ang mga yan eh — tsk tsk — MATANDA KA NA, ESTE, KASAMA ‘KO!!!

Do you remember . . .

Post navigation


8 thoughts on “Do you remember . . .

  1. 8. At kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si Kabise at si Manong na magtataho
    ===> Nakaka-miss!!!!!!!!

    22. Pinagtatawanan ang kalbo
    ===> Hahahaha pendong!

  2. geez,didja think of all these? astig! ay no,galeng pala,lol! ay no,haha pala!

    i love to drink singapore sling..nice pics bambit!

  3. 20 sentimos lang ang itlog.

    4 na grocery bags ang katumbas ng P100.

    15c and softdrinks at me kulay yellow at pula pa.

    okey magreminisce no?

  4. toni waaaa kalbo pendong, boss ko yun, pero alam na nya what kalbo means kaya minsan we say pendong para kunyari hindi siya pinag-uusapan namin he he he.

    sachikoDid I think of all these? Good heavens, no, the honor goes to my OLDER (and sometimes bastus) cousin who sends me all these crazy emails.

    Had a great time in Singapore, sayang hindi na kami nagkita ni Luchie, but
    next time I promise myself to have an even better time 🙂

    ka bestre Ok na addition yang line mo dun sa listahan, lalo na’t nilalahad nito ang
    naiibang pag-uugali ng mga tao sa paglipas ng panahon.

    Makwento nga ito sa kumpare kong marino …

    bingskee! 15c baon ko nung kinder ako, may sarsi at chiz curls na ako nun 🙂

  5. Yo, #1 Son, just jetted off an email to your new add, silly me, i’d used the Yahoo. hmmm, bawal yan ah. Yarrr …

  6. napareminisce naman ako. ang naabutan ko naman .50 ang pamasahe. nagstart ako magcommute papasok ng school nung grade 2 ako kaya tandang tanda ko pa hahaha. tapo s ang baon ko php2 aside from the food na baon.

    korek ka sister ang tanda ko na nga. pero ang sarap isipin yung mga ganitong days ng kabataan. :))

Comments are closed.