Nakita ko ito sa blog ni Inday Ayeza, ang Balikbayanbox. Magbebenta daw ang Wal-Mart ng religious action figures, tulad nina Jesus, Samson, Daniel and the Lion at Jonah and the Whale. Of course huwag nating kalimutan si Reyna Ester at Samson ni Delilah. Kung pupunta kayo sa website ng gumagawa ng mga relihiyosong action figures na ito — one2believe.com — makikita nyo ang linya ng mga action figures na ginawa nila at ibebenta sa mga bata sa Estados Unidos. May kasama din daw itong mga story book na naglalahad ng buhay ng naturing na action figure.

Sabi ko nga in reaction sa post ni Ayeza:

At last, ka-ranggo na rin si Jesus nina GI-Joe at ng mga Trasnformers! Kahit sa sinong bata ngayon sa US of A can really say that Jesus is his Hero. Gawin rin nya kayang pang bakbakan ang figure ni Jesus against Optimus Prime? Hmmm, ibang klase ito sa naksanayan natin (o halata lang ba talagang nagkakaedad na tayo?) The good thing about this is it demystifies Jesus and other bibilical characters na mula nuon ay nasa simbahan at misal lang. This allows for a more accessible Jesus (although personally I prefer John the Baptist kasi mas macho siya). Of course I’m writing from the point of view of a Catholic-turned-agnostic-bordering-on-atheism. But will it make the Pope raise an eyebrow? Abangan . . .

samson.gif jesus_tenthousand.gif hero_jesus.gif esther.gif

Kidding aside pumatok kaya ang bagong produktong ito? Ano sa palagay nyo?

Jesus is my Hero

Post navigation


One thought on “Jesus is my Hero

  1. Bambit, I think that for this product to succeed ay kelangan may accompanying cartoon series sya. Parang Flying House o kaya Superbook. That way, kids can relate in the way of these shows.

    Hmmm… personally I don’t find anything wrong with this. Parang yung painting na naka-jeans si Jesus at nakasandal sa motorsiklo. I saw that in Megamall, near Toy Kingdom. Ok sya.

    On other notes, I would like to comment on your comment in my shoutbox. hehe. About the wiki, are you referring to the wikipedia? Talaga, pwedeng maglagay ng personal profile dun? That would be interesting. However, heto ang experience namin. I asked one of my colleagues to register in wikipedia and start a page about our company. This is for our SEO efforts. Hindi pa lang sya natatapos, biglang nagkaroon raw ng message na commercialized yung ginagawa nyang page. Tapos na-delete yung ginawa nya. Which is unfair, because we saw our competitor in wikipedia and their page was not any different from the one he was making. Di bale, we shall attempt again!!

Comments are closed.