*This poem is written in Tagalog, the language of the man on the street in Manila. If you are looking for the connection between “Urbanidad” and the man Bayani Fernando commonly known as “BF” click here.

Quota na kaya si BF
ngayong hapon
Ilangpung pushcart na ba ang
tinangay ng
kampon ng MMDA sa
mga sidewalk
kung saan nagaalmusal
si Manong Joe
ng chicken maming luto ni
Aling Tasing
Hindi kaya napaso ang
mga kamay
ng mga naka-tshirt na
blue sa biglang
pagdagit sa pushcart, parang
lawing dagit
ang dagang walang kamuwang-
muwang.

Quota na kaya si BF
ngayong hapon.
Ilang tindera na ba ang
umiyak sa
pagsibat ng mga raiders
of the lost tray
ng junkfood, puto, 3-in-one
na meryenda
namin sana mamyang hapon
pag coffee break
Ilang maglalako pa ba
ng fishball
at
mani ang kailangang mag
mala-Tarzan
sa Guadalupe MRT
station para
matupad ang inutos
ni BF.

Quota na kaya si BF
ngayong hapon
Ilang driver pa ba dapat
matiketan
dahil walang plate number sa
noo parang
anti-christ kung san tatoo ang
6-6-6 na
katunayan na di sila
kawatan. Kung
maka-quota si Bayani
pagbigyan nya
kaya ang huling hiling ni
Aling Tasing
na makapag-almusal man
lang ng lutong
mami bago meriendahin
ni BF?

Para kina Christopher Abdullah, Manang Rodman, at isa pang Manang na di ko alam ang pangalan, na inagawan ng pushcart ng MMDA, nung umaga ng Huwebes, July 19, 2007.

Urbanidad

Post navigation