Happy 41st Birthday, Mahal!

Alam mo, pinaghandaan ko talaga itong araw na to, para sayo.

Pinatigil ko buong Metro Manila sa pamamagitan ng transport strike para tahimik ang bertdey mo.

Hinanda ko narin ang mga regalo ko para sayo sa araw na ito.

Land Rover Defender 130
Eto ang Land Rover Defender 130 para pwede tayong mamasyal mamyang gabi
kahit me transport strike.

Japanese House
Pag napagod tayo sa pamamasyal uuwi tayo dito sa Japanese house
na matagal mo nang pinapangarap.

Brusko!
Pag dating mo sa bahay sasalubungin ka ng alaga mong
bull mastiff na si Brusko.

Zen Garden
Magpapahinga tayo sa gitna ng zen garden na ito …

My friend Jack
… kasama si Pareng Jack habang lumalalim ang gabi.

O ayan ha, good for one year nang pangarap ko para sayo ang mga yan.

 

Happy birthday, Mahal!

41 is the new 35

Post navigation


11 thoughts on “41 is the new 35

  1. thanks darling….alam mo talaga kung anong nasa sa wish list ko ah…marami pang kulang yan, pero ang hindi mapapantayan na wish kong nagkatotoo …ay ikaw at si Maia. 🙂

    when we grow old daw…nde na wish list ang iisipin mo dahil some of it puwede mo pang maangkin but marami ang imposible mo nang maabot in your remaining lifetime…ang dapat na lang ay “bucket list”…yeah, like the movie, and yes, like san mig light – isang “bucket”..mas madaling maabot hehehe

    wub u, darling.

    PS. oh and one thing, dyan sa japanese house sa may zen garden nito, sabay tayong hihigop ng mainit na tsaa habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa kanluran…

  2. Happy Birthday to your Mahal! March is truly a great month for you for the birthdays of two people who mean the world to you. Congratulations!

     

  3. Uy Happy Happy Birthday kay Sir!

    Thanks also Bambit for the advise on PPP. Heto, mukhang kakaririn ko yun habang ok pa ranking ko. No turning back now. 🙂

  4. @ Panaderos & wats0n, tenkyu daw sabi ni Sam, kung andito lang kayo kasama kayo sa aabutan ng San Mig light sa mga oras na ito …

    @ rommel, tenkyu rin, pero actually ako si Mrs. Bambit at si Mr. Sam yung me bertdey 🙂

  5. Hee hee Sis Mari, libre naman daw mangarap eh so tinodo-todo ko na

    🙂 Happy birthday sa ating lahat!!!

    *hik*

  6. Uy gusto ko ng San Mig Light! Bihirang-bihira ako uminom sa Baguio. One time, nag-utos ako ng bata para bumili ng beer for me and my in-laws, bumalik yung bata. Wala raw San Mig Light. Hindi nagtitinda ng ganun sa mga sari-sari store. Ang tinda, Red Horse at gin! Too strong for me pero pinagtyagaan na lang namin ang Red Horse. haha.

Comments are closed.