Laro ni Idol Manny Pacquiao ngayon. Tigil daw lahat ng bagay ngayong araw na ito. Tigil blog, tigil putukan, tigil traffic, tigil nakawan (pero sa kalye lang yon; sa gobyerno kahit anong araw me nakawan parin).

Kaya si Pareng Gary na muna ang bahala sa inyong lahat.

Holdap

Minsang ako ay nag-agahan doon sa bandang Nagtahan
Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan
At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan
Sa isang pampasaherong sasakyan

Nang aking nilapitan, tamangtamang naabutan
Ang isa sa biktimang nagsalaysay
At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig
Salamat daw at siya’y naiwan pang buhay

Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan

Isang kinsenang kayod,
ang pinagpawisang sahod
Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw
Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente
At lolong halos di na makagalaw

Relo, singsing at hikaw, pati ngiping natutunaw

Sinimut nuong disenteng lalake
Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw
Sila’y inabutan pa ng pamasahe

Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang kandidato sa halalan

Ngunit minsa’y namukhaan nitong
kawawang si Juan
Ang holdaper kanya palang kapitbahay
Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy
Sa tuwing may okasyong pambarangay

Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela
Bida kay bishop, kay judge at kapitan
Tauntaon pati ay may medalya at plake
Ang magiting at dakilang kawatan

Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa
ang nananalo sa halalan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000

(note by this blogger: Yung Philippines 2000 palitan nyo ng 2010 ganun narin yun)

Kung Alam Mo Lang Violy

Wala nang trapik sa kalye
Efficient ang bureaucracy
Bumaba na ang poverty
Restored na ang democracy

Ang buhay natin nag-improve
Dahil ang GATT ay na-approve
Ang buhay natin gumanda
Dahil ang EVAT napasa

Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Matagal ka na nilang niloloko

Dumadami ang may kotse
Dito sa university
Tumataas ang tuition fee
Bumababa ang quality

Forget na lang the land reform
Forget the debt moratorium
Forget na rin the behest loan
But don’t forget the condom

Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie ang totoo
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Matagal mo na kaming niloloko

***

Tres mil na passport at ID
Tres mil sa visa’t embassy
Tres mil na special placement fee
Singkwenta mil na pangkape

Kung alam mo lang Violy…

Si Violy ay inabuso
Ng malupit niyang amo
Si Violy ay nagkakaso
Pinagtanggol ng gobyerno
Natural, natalo
At napugutan ng ulo

Si Violy ay inilibing
Malaon nang nahihimbing
Si Violy ay huminlay na
Ngunit hinukayhukay pa

Kung alam mo lang Violy…

Gumaganda’t umuusad
Daw ang ating economy
Dahil sa dami ng tulad
Na kwentong gaya kay Violy
Tuloy-tuloy ang pag-unlad
Ng ating movie industry

Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang VIoly
Kayrami na nilang kinita sa iyo

Two from Gary Granada

Post navigation